RSS

Bert

12 Aug

Alas tres ng hapon, nagising ako. Hindi naman ako batugan. Lumabas ako sa kwarto, katatapos lang nilang mag-meryenda. Habang pinapanuod ko si Kuya mag-Facebook, si Erpat, kausap si Bert, ‘yung kasambahay namin. Tinuturuan ni Erpat si Bert na magbasa ng orasan. Kahit na sa Bisaya sila nag-uusap, naiintindihan ko naman. Habang pinapakinggan ko sila, ang daming tumatakbo sa isip ko, ang dami kong na-rerealize. Pwede na pala akong philosopher.

Si Bert, nakapagtapos naman siya ng Grade 6. Pero ang nakakagulat, hirap siya magbasa ng orasan. Hindi naman daw siya absent noong tinuro ‘yun. Hindi na siya nakatungtong ng highschool kasi kapos sila sa pera. Sabihin na nating public school pa ‘yan, mas pinili niyang magtrabaho kaysa matuto. Ganoon kahirap ang buhay nila. Kahapon daw sabi niya kay Erpat, ang swerte daw niya na dito siya napunta sa amin at hindi construction site ang binagsakan niya dito sa Maynila. Mani lang daw ‘yung trabaho niya dito, lalo na ‘yung pagmasahe niya kay Erpat ,kumpara sa trabaho niya doon sa Masbate—pag-aararo.

Kung iisipin natin, ang swerte natin. Sa edad natin ngayon, ang option lang natin ay ang mag-aral nang mabuti. Wala sa option natin ‘yung lumiban sa klase para magtrabaho, para kumita at ang nakakalungkot, para mabuhay. Madalas nating binabalewala ang pag-aaral. Karapatan ito sa atin, sa karamihan ay pribilehiyo lamang. Na sana kung may kaya lang sila ay mas pipiliin nilang pumasok sa paaralan at hindi sa kanilang pinagtatrabahuan. Na sana kung may kaya lang sila ay mas nanaisin nilang makapagtapos ng highschool at ng kolehiyo.

Sa pagtatapos ng maikling blog entry na ‘to, dalawa lang ang pwedeng mangyari. Either balewalain mo ‘yung message nito at pagtawanan mo ako, or ma-realize mo kung gaano ka kapalad na nakakapag-aral ka. Binibining Pilipinas ang dating ng blog na ‘to, but this is me. Hindi pwede na wala akong gawin. Kahit sa simpleng pagbahagi nito ay satisfied na ako na may nagawa ako.

Mapalad ka. Mag-aral ka nang mabuti.

“Ang edukasyon lamang ang makasisira sa kadena ng kahirapan.”
– Erpat kay Bert

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2012 in Uncategorized

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: