RSS

Lolo Ador

09 Sep

Alas singko ng umaga, gigising na siya. At dahil nasanay ako, mula pagkabata, na mainit na tubig ang ginagamit ko sa pagligo, nag-iinit muna siya ng tubig. Habang naliligo ako, niluluto na niya ‘yung almusal ko. Never nawala sa almusal ko ang itlog—prito o nilaga. Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili, magpapaalam na ako sa kanya. Minsan ‘pag malakas ang ulan, papayungan at ihahatid pa niya ako sa gate, sabay tapon na rin ng basura. Mula alas siete ng umaga hanggang alas singko ng hapon, nasa school ako.

Habang wala ako sa bahay, nilalabhan niya ‘yung mga damit namin. O ‘di kaya, ginagawa niya ‘yung mga pinapagawa sa kanya ni Kuya. ‘Pag naiinip siya, pupunta lang ‘yun sa guardhouse at makikipagkwentuhan magdamag. Kilalang-kilala nga siya dito sa tinitirhan namin eh. ‘Pag may sirang doorknob, baradong lababo, at iba pa, siya ang tinatawag. Kaya kahit sa matandang edad eh damang-dama pa rin niya ang pagiging isang engineer. Oha. Fulfilled naman siya sa ginagawa niya. Nakikita ko naman na masayang siyang nakatutulong sa iba.

Ayun. Pagdating ko sa bahay, ilalagay ko na sa laundry basket ang uniform ko. Pahinga nang kaunti, tapos kakain na kami. ‘Pag ‘di ako nag-dinner o kaya ‘pag ‘di ko siya sinabayan kumain, medyo magtatamporurot ‘yun. Habang kumakain, nanunuod din kami ng news. Pagkatapos kumain, pupunta na ako sa kwarto ko para mag-aral. Siya naman, hihiga na at manunuod ng TV. Madalas niyang nakatutulugan ang TV kaya ako ang taga-patay. Ayan. Ganyan ang daily routine namin.

Sa kanya, wala na akong ibang hahanapin pa. Wala na akong mahihiling pa. Noong birthday nga niya last 2011, sinabi ko na hindi enough ang thank you para pasalamatan ko siya sa lahat ng ginawa, ginagawa, at gagawin niya para sa akin. Hindi magtatagal, magkakaroon na rin siya ng apong full-pledged lawyer. At sana, sa future, makapagpatayo rin ako ng isang hardware, ‘yung nakapangalan sa kanya at siya ‘yung magmamanage.

Lolo Ador, happy grandparents’ day! Salamat sa lahat. Mahal na mahal kita. Solid ka!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on September 9, 2012 in family

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: