RSS

Monthly Archives: April 2013

The best civil engineer @ 75

Dearest lolo,

Happy 75th birthday, Lolo Ador!

Una po sa lahat lolo, gusto ko pong magpasalamat. Salamat po sa pagmamahal niyo. Salamat po sa presence niyo, lalo na po sa pag-aalaga sa akin. Simula po noong ilabas ako sa mundo, nariyan na po kayo para sa akin. Noong elementary po ako at naging hands-on po si Daddy at si Mommy sa office, kayo po ang nag-alaga sa akin. Nakakatawang sabihin, elementary hanggang high school. Haha! Gigising kayo nang maaga, magpapainit ng tubig, at magluluto habang naliligo ako. Habang nasa school po ako, mag-isa po kayo sa unit. Buti nalang may nakakakwentuhan po kayong mga kapitbahay. Alam niyo po bang na-gui-guilty po ako sa tuwing hindi ko po kayo nasasabayan kumain (at hindi kop o natitikman ‘yung luto niyong masarap) kasi alam ko po ‘yung pakiramdam kumain nang mag-isa. Basta. Kayo po ‘yung tumayong daddy at mommy ko noong nasa Pampanga pa ako. Kaya ang priceless po ng sakripisyo niyo para sa akin eh. Hindi ko po alam kung paano at saang paraan ko po masusuklian.

At sa tagal po nating magkasama lolo, ako po siguro ‘yung pinaka-spoiled at pinakamasuwerteng apo sa aming magpipinsan. Hahahaha! Peace out, dear cousins!

Lolo, ngayong college na po ako at sa Quezon City na po ako mag-stay, mamimiss ko po kayo. Masaya po ako na sa Sta. Lucia po kayo nag-stay ngayon. Siguro panahon na po para mag-spend po kayo ng time with Mamang at kasama po sina Tito Amor, Tito Joseph, etc. Bibisita-bisitahin nalang po namin kayo.

Hinding-hindi po masasayang ang pag-aalaga niyo sa akin, lolo. I shall be a better man. At sa birthday niyo po lolo, isa lang po ang hinihiling ko. Inaalagaan niyo naman po nang mabuti ang sarili niyo pero gusto ko po na mas alagaan niyo po ang sarili niyo. Sabi niyo nga po noong isang gabing kumain tayo, 85 na po kayo pag-graduate ko sa law school. Syempre, tulad po nila Daddy, Mommy, Kuya, Ate Kai, at ng girlfriend ko (Coming soon!), gusto ko pong naroon kayo. Kasi malaki ang naiambag niyo sa paglaki ko. Kung sino po ako ngayon, kung nasaan po ako ngayon, at kung ano man po ako sa hinaharap, malaki po ang naging parte niyo. Kumbaga po, gusto ko po ialay sa inyo ‘yung pagtatapos ko sa Law bilang ganti sa lahat-lahat. Siguro hindi na po kayo makapaghintay na magkaroon ng apong abogado. Ako rin po, hindi na po ako makapaghintay maging attorney.

In ten years, babawi po ako sa inyo, lolo. Babawi po ako sa lahat-lahat, kahit na alam ko pong walang katumbas ‘yung pagmamahal at sakripisyo niyo para sa akin. Malay niyo, ipagpatayo ko pa kayo ng hardware na tatapatan si Kabayan o ang Ace. Ayos ba ‘yun, lolo?

Lolo, kayo po ang best engineer kasi hindi lang po mga daan at tulay ang in-engineer niyo, pati po mga buhay naming mga anak, apo, kapatid, at pamangkin niyo.

Lolo, happy birthday po uit! Mahal ko po kayo! Mahal po namin kayo!

Mark

524123_628374483844807_1550579305_n

 
Leave a comment

Posted by on April 27, 2013 in family