RSS

Monthly Archives: May 2013

Image

Furious 6

Furious 6

One word. Ang lupit. Patindi nang patindi ang mga missions nila. ‘Di ko kukuwento para walang spoiler. Pero ‘yun. Eto ‘yung tipong action talaga—guns and races. Hindi na ako makapaghintay panuorin ‘yung 7th installment ng series, featuring Jason Statham as the main antagonist. Kudos!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on May 31, 2013 in Uncategorized

 

bangungot

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makabangon. Kahit anong pilit ko, ayaw. Para bang may mabigat na nakadagan sa akin. Sinubukan kong sumigaw para tawagin si kuya, pero hindi ko rin magawa. Naisip kong tawagin si God sa isip ko. Pagkatapos ko Siyang tawagin, paulit-ulit kong sinabi ‘yung Bible verse na Romans 8:31. “If God is for us, who can be against us?” Pagkatapos nang isang minutong pag-struggle bumangon, sa wakas, nagising ako.

 
Leave a comment

Posted by on May 30, 2013 in Uncategorized

 
Aside

Last night was crazy. Inaya ako ni kuya mag-Timog. Biglaan. Ayun. Sa Off the Grill bar. Two rounds of beer lang habang ine-enjoy ang live band. Nakwento ko kay kuya inuman-kalokohan stories ko nung 4th year high school. Hindi naman siya nagalit. Haha. After that, pumunta kami sa San Pedro, Laguna. Business trip. Balikan lang din pero mabilis. Walang traffic sa EDSA eh. Tapos wala namang traffic sa SLEx. Ayun. Alas kwatro na kami nakauwi ng bahay. So much fun. Peace and love. 🙂

 
Leave a comment

Posted by on May 30, 2013 in family

 

Hello, WordPress!

Hello WordPress!

Goodbye, Jux!

Kanina, nag-check ako ng email. Nag-delete ako ng mga unnecessary emails. Tapos may nakita akong email from Jux. Subject? “Jux is closing.” Nagulat talaga ako. Sinabihan ko agad mga kakilala kong may blog din sa Jux.

Ayun. Nakakapanghinayang. Matagal-tagal na rin akong blogger sa Jux. Tapos gandang-ganda rin ako sa interface niya. Sabi nga ni Hans [Marin], kaunting edit lang, maganda na in and out ‘yung post mo. Hayy. Sayang talaga.

Hindi ako mag-po-post ng description ko para makilala niyo ako. Gusto ko makilala ko kayo sa personal. So yeah.

Image

 
Leave a comment

Posted by on May 27, 2013 in Uncategorized

 
Quote

Daddy said, “May law books dito anak. Naalala tuloy kita.”

 
Leave a comment

Posted by on May 23, 2013 in family

 
Image

Kean Cipriano of Callalily

Kean Cipriano of Callalily

 
Leave a comment

Posted by on May 19, 2013 in Uncategorized

 

ISKO – Take 2

Ayun, enrollment ko kanina. Since expected na mahaba ang pila sa Office of the University Registrar (OUR), advice ng mga Freshmen Block Coordinators (FBCs) na maagang pumunta. In fact, hindi ako natulog. Dalawang bagay kung bakit. Una, baliktad talaga ang body clock ko. Pangalawa, excitement na rin.

So ‘yun nga, hindi ako natulog. Alas singko pala, naggayak na ako. Alis kami ni Mommy nang mga alas sais. Dating gawi, syempre. Sakay ng jeep papuntang LRT – Roosevelt Station tapos baba sa UN Avenue Station.

Alas siete pa lang, nakapila na ako. Tatlo ‘yung pila. Depende kasi sa surname. A-D, E-M, at N-Z. Doon ako sa F-M, syempre. Ayun. Hindi naman ako na-bore habang naghihintay. Nagkwentuhan kami nina Christian, Francis, Gene, Bianca, at Krisha. Makipagkaibigan din ‘pag may time!

Submit ng credentials sa OUR, pa-reassess, bayad ng Student Council Fund, tapos bayad ng tuition free sa Cashier. Ay, may picture-taking pa pala para sa ID. At dahil may ID na ako, bumili na rin ako ng UP lanyard. Binili ko ‘yung parang “sablay”. Nakalagay University of the Philippines na parang nakasulat sa Alibata. Ayos!

Noong nagbayad pala kami kanina ng tuition fee, parang nanibago ako. Mula elementary hanggang high school kasi, iskolar ako. As in free tuition talaga. Miscellaneous lang binabayaran namin. Eh ngayon, iskolar pa rin naman ako ng bayan. Pero sa mahal ng tuition fee ko, dehins ko ramdam na ganoon nga. Nakakalungkot talaga isiping hindi tuition-free ang UP. Kaya ang tanong ko sa inyo, iskolar ng bayan pa nga ba kaming maituturing?

P. S. Gusto ko po ulit pasalamat lahat ng Freshmen Block Coordinators na hindi nagsasawang mag-assist sa aming mga freshmen. Peace and love. ✌

 
Leave a comment

Posted by on May 7, 2013 in iskolar ng bayan