RSS

Dental at Physical Examination

04 May

Kahapon, Physical at Dental Examination ng BS Biochemistry, Biology, at Computer Science sa UP Manila. Ayun. As usual, sumakay kami ng LRT sa Roosevelt Station. Sa Pedro Gil baba namin kasi sa College of Dentistry kami unang pupunta.

Pagbaba naming sa Pedro Gil station, lakad, tapos College of Dentistry na. Sinalubong agad ako ng isang Freshman Block Coordinator (FBC). Sophomores sila na nag-a-assist sa mga incoming freshmen sa UP Manila. Ang accommodating nila, solid. Knowing na volunteers lang sila at for free ang service nila, mas nakakatuwa. Nakaka-inspire tuloy maging FBC ‘pag sophomore na ako next academic year. At dahil diyan, I salute all Freshman Block Coordinators of UP Manila.

At dahil nagpa-dental na ako sa labas, vinerify nalang ‘yung dental certificate ko. Mabilis lang. Nakakuha agad ako ng permit. ‘Yun nga lang, 10:00 AM na at naabutan kami ng cut-off time. Nag-lunch muna kami ni Mommy sa Greenwich, Robinsons Manila.

Mga 12:30 PM, bumalik na kami. This time, sa UPM-PGH Health Service naman kami. Pagkakita na pagkakita ko ng pila, sabi ko sa sarili ko: “University of Pila nga!” Sobrang haba ng pila. Isang oras din kaming naghintay. Buti na lang mabilis lang ‘yun physical exam. At eto pa, hindi required na maghubad sa physical exam. Pwede kasi mag-refuse na mapa-examine ng abdomen, genitals, at rectal area. Balita kasi na ‘yung mga batchmates kong UPLB eh pinaghubad talaga. Hahaha! ✌

After ng physical exam, umuwi na kami. Sa Monday ulit, enrolment naman.

Padayon!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on May 4, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: