RSS

ISKO – Take 2

07 May

Ayun, enrollment ko kanina. Since expected na mahaba ang pila sa Office of the University Registrar (OUR), advice ng mga Freshmen Block Coordinators (FBCs) na maagang pumunta. In fact, hindi ako natulog. Dalawang bagay kung bakit. Una, baliktad talaga ang body clock ko. Pangalawa, excitement na rin.

So ‘yun nga, hindi ako natulog. Alas singko pala, naggayak na ako. Alis kami ni Mommy nang mga alas sais. Dating gawi, syempre. Sakay ng jeep papuntang LRT – Roosevelt Station tapos baba sa UN Avenue Station.

Alas siete pa lang, nakapila na ako. Tatlo ‘yung pila. Depende kasi sa surname. A-D, E-M, at N-Z. Doon ako sa F-M, syempre. Ayun. Hindi naman ako na-bore habang naghihintay. Nagkwentuhan kami nina Christian, Francis, Gene, Bianca, at Krisha. Makipagkaibigan din ‘pag may time!

Submit ng credentials sa OUR, pa-reassess, bayad ng Student Council Fund, tapos bayad ng tuition free sa Cashier. Ay, may picture-taking pa pala para sa ID. At dahil may ID na ako, bumili na rin ako ng UP lanyard. Binili ko ‘yung parang “sablay”. Nakalagay University of the Philippines na parang nakasulat sa Alibata. Ayos!

Noong nagbayad pala kami kanina ng tuition fee, parang nanibago ako. Mula elementary hanggang high school kasi, iskolar ako. As in free tuition talaga. Miscellaneous lang binabayaran namin. Eh ngayon, iskolar pa rin naman ako ng bayan. Pero sa mahal ng tuition fee ko, dehins ko ramdam na ganoon nga. Nakakalungkot talaga isiping hindi tuition-free ang UP. Kaya ang tanong ko sa inyo, iskolar ng bayan pa nga ba kaming maituturing?

P. S. Gusto ko po ulit pasalamat lahat ng Freshmen Block Coordinators na hindi nagsasawang mag-assist sa aming mga freshmen. Peace and love. ✌

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on May 7, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: