RSS

Monthly Archives: June 2013

Image

May tanong ang mga minions.

May tanong ang mga minions.

 
Leave a comment

Posted by on June 29, 2013 in iskolar ng bayan

 

The Marked Onset of Student Activism

Bago ako matulog kagabi, may panawagan ang ASAP-Katipunan na magsuot ng itim na damit para sa pagkondena sa kakulangan at pagbawi ng pasahod sa mga dalubguro, tenure, at renewal. Gayun din sa kakulangan ng budget sa edukasyon. Kaya bago ako matulog, hinanda ko ‘yung t-shirt kong black na may nakalagay na “Serve the people.”

Sa paggising ko, alam kong isang karaniwang araw ang naghihintay para sa akin. Ngunit hindi ko lubos akalaing ngayong araw pala ang magiging simula ng aking kongkretong pakikibaka—hindi lamang sa salita, pati sa gawa.

Pagkatapos ng klase ko sa Math 17, dumiretso ako sa RH Lobby. Isang rally pala ang nagaganap sa pangunguna ni UPM-USC Chair Mariz Zubiri. Bilang bagong kasapi ng Anakbayan-UPM, hindi ako nag-atubiling sumama at maghawak ng kartel na may nakasulat na “SCRAP STFAP! FIGHT FOR FULL STATE SUBSIDY!” Tinalakay ang iba’t ibang isyu sa loob at labas ng UP Manila. Unang-una, nariyan ang pagbawi ng pasahod, tenure, at renewal sa ilang mga guro sa UP Manila nang walang kongkretong dahilan. Nariyan din ang tumataas na presyo ng edukasyon, pagsasapribado ng mga pampublikong ospital at state universities and colleges (SUCs), at iba pa. Pagkatapos ng makabuluhang programa, umikot kami sa buong College of Arts and Sciences upang ipanawagan ang aming mga hinaing.

“Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban! UP not for sale! We are not for sale! Edukasyon! Edukasyon! Karapatan ng mamamayan!” Sa labing-anim na taon kong pamumuhay sa mundo, ito na sigurong ang pinakamakabuluhang pahayag na sinigaw ko. Sa wakas, naipamalas ko rin ang aking student-activism nang hindi lamang sa mga social networking sites (Facebook, Twitter, at WordPress). Ano nga naman ba ang silbi ng salita kung kulang sa gawa?

Hindi ito ang una at huling rally na dadaluhan ko. Simula pa lamang ito ng aking pakikibaka. Hangga’t may mga patakarang sumusupil sa karapatan ng mga mamamayan, patuloy akong tatayo at maninidigan.

Scrap Socialized Tuition Fee Assistance Program!

Junk Tuition and Other Fees Increase!

Fight for full state subsidy in UP and other SUCs!

 Photo Courtesy of Charlotte Velasco

 
Leave a comment

Posted by on June 28, 2013 in iskolar ng bayan

 

What’s your highest potential?

Psychology 10

Topic: The Humanistic Approach

(Non-Verbatim)

Ma’am Martinez: Kayo, what’s your highest potential?

Ako : Ma’am, maging public servant, maging human rights lawyer.  Kasi bata pa lang po ako, gaano man po pang-Ms. Universe pakinggan, naroon na po ‘yung passion to serve the people, lalo na po ‘yung mga oppressed.

 
Leave a comment

Posted by on June 28, 2013 in iskolar ng bayan

 
Quote

“There’s no point in arguing with lawyers.”

– Sir Boots Liquigan, 2013

 
Leave a comment

Posted by on June 18, 2013 in iskolar ng bayan

 

Abstract? Concrete?

Professor: “Love. Abstract o concrete?”

Class: “Abstract!”

Professor: “How to make it concrete?”

Class: HAHAHAHA!

 
Leave a comment

Posted by on June 18, 2013 in iskolar ng bayan

 

“Overworked but underpaid workers”

“Overworked but underpaid workers”

Nabanggit ‘yan ni Ma’am Andrea “Andy” Martinez, professor ko sa Psych 10. At nang marinig ko ‘yun, tumatak talaga sa akin hanggang ngayon. The fact na sa isang UP professor ‘yun nanggaling, tunay ngang karamihan ng mga manggagawa ay tulad ng sinabi niya—overworked but underpaid. Nakakalungkot.

PS: Akala ko kabataan lang ang mulat at makabayan sa UP, pati pala mga prof.

 
Leave a comment

Posted by on June 12, 2013 in iskolar ng bayan

 

College Orientation

Pagkatapos ng Welcome Assembly kahapon sa Diliman, College Orientation naman sa mismong campus na namin. (Sa Monday naman, Department Orientation.) Haha. Call time sa Rizal Lobby, 7:30 AM. Same routine ako sa pagpunta—LRT as usual.

College Orientation. 8:30 AM sa Science Hall ng PGH. Welcoming remarks ni Dean Alex Gonzaga ng College of Arts and Sciences (CAS) syempre, orientation tungkol sa rules and regulations, grading system, and such, at introduction sa iba’t ibang orgs under CAS.Ang masasabi ko lang, mas naging grade-conscious ako (o ‘yung tinatawag nilang GC) kasi alam ko na ‘yung required general weighted average (GWA) para mag-summa, magna, or cum laude. Na-GC talaga ako ngayong college. Naisip ko kasi, college na ‘to—malaki ang bearing sa future career ko. Iba kapag with honors. Hayy. Sipag, tiyaga, at tiwala lang. So help me, God.

Block lunch sa KFC Taft. Ayos na ayos. Aaron and I met new friends. Bad thing is naging anime/manga topic naming magkaka-table. Eh kung kilala mo talaga ako, wala akong hilig sa ganoon. Pili lang ‘yung anime na pinanuod at pinapanuod ko. Karamihan pa eh ‘yung unti lang ang nanunuod. Hindi ko pa nga alam kung considered the anime. Haha. Baki the Grappler, Detective Conan, Doraemon, Dragon Ball Z at GT, Knockout, Zoids at iba pa.

Unfortunately, may afternoon class pa kami. Haha. Psych 10 ang first class na pinasukan ko ngayong college. (Uy, first!) Hindi tinapos ni Ma’am Andy [Martinez] ‘yung buong period. Nagpakilala lang, open forum (Oo, una ang open forum.), kaunting orientation sa subject, at house rules. Pwede naman daw kumain habang nagkaklase siya. Tutal siesta time ‘yung oras namin sa kanya. Hahaha. Peace! Sunod eh Comm 1 at Geo 11 at hindi sumipot ang mga prof namin. Yes, we waited in vain. </3 Buti na lang nariyan ang mga kwento ni Kuya Jerboe. Haha.

‘Yan ang mga nangyari sa akin kahapon. Nga pala, sa mga nagbabasa ng blog ko, maraming salamat. Hindi ko man alam kung sinu-sino kayo (Pero sure akong friend kita sa Facebook o follower sa Twitter.), pero na-appreciate ko nang sobra. Wala lang. Ang sarap sa pakiramdam na may nagbabasa ng blog mo eh. Nagmistulang diary ko na nga ‘to eh. Updated daily. Hahaha. Ganoon talaga. Kaya nga blog eh. ‘Di ba?

Ayun. Thank you ulit at peace and love.

 
Leave a comment

Posted by on June 11, 2013 in iskolar ng bayan