RSS

First Day High

10 Jun

Nasasabik sa unang araw ng eskwela, Taas kamay with confidence. Let’s do the first day high!

Dahil sagana ako sa tulog kahapon (16 hours), nahirapan ako matulog kagabi. Nagkataon pang first day of college kinabukasan. Naloko na. Nagkataon ding naiwan ko ang laptop ko sa Bulacan at wala rin akong ka-text. Pak. Kaya ayun. Inayos ko cabinet ko, sininop ang wallet, gumawa ng letter kay Mommy at iba pa. May magawa lang talaga ako hanggang alas singko.

Pagsapit ng alas singko, naligo na ako, nagbihis tapos kumain. Sumakay ako ng jeep sa SM North rektang UP Diliman. Bumaba ako sa Quezon Hall. Ayun. Nakapila na ‘yung iba by block. Noong marami-rami na kami eh pumunta na kami sa Film Center.

Entrance of colors, speech ni Chancellor Agulto, ng guest speaker, at ni President Pascual, pagpapakilala ng mga deans and other officials, presentation ng mga freshmen (by college, by block), pagpapakilala ng mga student-leaders (University Student Council), at intermission numbers ng mga iba’t ibang organizations.

Pero para sa akin, ang highlight ng event eh ‘yung rally ng ASAP-Katipunan (broadest, oldest and largest student alliance in UP Manila) pagkatapos magpakilala ng mga student-leaders. Anticipated ko na, kasi nga UP. Pero namangha talaga ako. May mga nakita akong freshmen na gulat. Worst eh tumatawa. Maaaring sa iba o sa marami, non-sense ‘yung rally na ‘yun. Pero para sa akin, hindi. Naintindihan ko ‘yung ipinaglalaban nila ehna ang edukasyon ay isang karapatan at hindi isang pribilehiyo o negosyo. Binigyan nila ng diin ‘yung pagkaltas sa budget para sa edukasyon sa halip na dagdagan ito. Pati na rin ‘yung bulok na sistema ng “no late payment” policy (na kumitil sa buhay ni Kristel Tejada) at iba pa.

Nakakatuwa lang makakita ng mga iskolar ng bayan na matatalino na, mga makabayan pa. Na hindi lamang sa pag-aaral naglalaan ng oras, pati na rin sa pagsigaw ng karapatan ng kapwa nila kabataan. Na sa murang edad ay naninindigan na. Na kahit na mas malaki at mas makapangyarihan ang tinututulang sistema ay patuloy lamang basta tama at makabubuti para sa nakararami ang ipinaglalaban.

Ganyan ang isang iskolar ng bayan!

Padayon!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on June 10, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: