RSS

College Orientation

11 Jun

Pagkatapos ng Welcome Assembly kahapon sa Diliman, College Orientation naman sa mismong campus na namin. (Sa Monday naman, Department Orientation.) Haha. Call time sa Rizal Lobby, 7:30 AM. Same routine ako sa pagpunta—LRT as usual.

College Orientation. 8:30 AM sa Science Hall ng PGH. Welcoming remarks ni Dean Alex Gonzaga ng College of Arts and Sciences (CAS) syempre, orientation tungkol sa rules and regulations, grading system, and such, at introduction sa iba’t ibang orgs under CAS.Ang masasabi ko lang, mas naging grade-conscious ako (o ‘yung tinatawag nilang GC) kasi alam ko na ‘yung required general weighted average (GWA) para mag-summa, magna, or cum laude. Na-GC talaga ako ngayong college. Naisip ko kasi, college na ‘to—malaki ang bearing sa future career ko. Iba kapag with honors. Hayy. Sipag, tiyaga, at tiwala lang. So help me, God.

Block lunch sa KFC Taft. Ayos na ayos. Aaron and I met new friends. Bad thing is naging anime/manga topic naming magkaka-table. Eh kung kilala mo talaga ako, wala akong hilig sa ganoon. Pili lang ‘yung anime na pinanuod at pinapanuod ko. Karamihan pa eh ‘yung unti lang ang nanunuod. Hindi ko pa nga alam kung considered the anime. Haha. Baki the Grappler, Detective Conan, Doraemon, Dragon Ball Z at GT, Knockout, Zoids at iba pa.

Unfortunately, may afternoon class pa kami. Haha. Psych 10 ang first class na pinasukan ko ngayong college. (Uy, first!) Hindi tinapos ni Ma’am Andy [Martinez] ‘yung buong period. Nagpakilala lang, open forum (Oo, una ang open forum.), kaunting orientation sa subject, at house rules. Pwede naman daw kumain habang nagkaklase siya. Tutal siesta time ‘yung oras namin sa kanya. Hahaha. Peace! Sunod eh Comm 1 at Geo 11 at hindi sumipot ang mga prof namin. Yes, we waited in vain. </3 Buti na lang nariyan ang mga kwento ni Kuya Jerboe. Haha.

‘Yan ang mga nangyari sa akin kahapon. Nga pala, sa mga nagbabasa ng blog ko, maraming salamat. Hindi ko man alam kung sinu-sino kayo (Pero sure akong friend kita sa Facebook o follower sa Twitter.), pero na-appreciate ko nang sobra. Wala lang. Ang sarap sa pakiramdam na may nagbabasa ng blog mo eh. Nagmistulang diary ko na nga ‘to eh. Updated daily. Hahaha. Ganoon talaga. Kaya nga blog eh. ‘Di ba?

Ayun. Thank you ulit at peace and love.

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on June 11, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: