RSS

The Marked Onset of Student Activism

28 Jun

Bago ako matulog kagabi, may panawagan ang ASAP-Katipunan na magsuot ng itim na damit para sa pagkondena sa kakulangan at pagbawi ng pasahod sa mga dalubguro, tenure, at renewal. Gayun din sa kakulangan ng budget sa edukasyon. Kaya bago ako matulog, hinanda ko ‘yung t-shirt kong black na may nakalagay na “Serve the people.”

Sa paggising ko, alam kong isang karaniwang araw ang naghihintay para sa akin. Ngunit hindi ko lubos akalaing ngayong araw pala ang magiging simula ng aking kongkretong pakikibaka—hindi lamang sa salita, pati sa gawa.

Pagkatapos ng klase ko sa Math 17, dumiretso ako sa RH Lobby. Isang rally pala ang nagaganap sa pangunguna ni UPM-USC Chair Mariz Zubiri. Bilang bagong kasapi ng Anakbayan-UPM, hindi ako nag-atubiling sumama at maghawak ng kartel na may nakasulat na “SCRAP STFAP! FIGHT FOR FULL STATE SUBSIDY!” Tinalakay ang iba’t ibang isyu sa loob at labas ng UP Manila. Unang-una, nariyan ang pagbawi ng pasahod, tenure, at renewal sa ilang mga guro sa UP Manila nang walang kongkretong dahilan. Nariyan din ang tumataas na presyo ng edukasyon, pagsasapribado ng mga pampublikong ospital at state universities and colleges (SUCs), at iba pa. Pagkatapos ng makabuluhang programa, umikot kami sa buong College of Arts and Sciences upang ipanawagan ang aming mga hinaing.

“Iskolar ng bayan, ngayon ay lumalaban! UP not for sale! We are not for sale! Edukasyon! Edukasyon! Karapatan ng mamamayan!” Sa labing-anim na taon kong pamumuhay sa mundo, ito na sigurong ang pinakamakabuluhang pahayag na sinigaw ko. Sa wakas, naipamalas ko rin ang aking student-activism nang hindi lamang sa mga social networking sites (Facebook, Twitter, at WordPress). Ano nga naman ba ang silbi ng salita kung kulang sa gawa?

Hindi ito ang una at huling rally na dadaluhan ko. Simula pa lamang ito ng aking pakikibaka. Hangga’t may mga patakarang sumusupil sa karapatan ng mga mamamayan, patuloy akong tatayo at maninidigan.

Scrap Socialized Tuition Fee Assistance Program!

Junk Tuition and Other Fees Increase!

Fight for full state subsidy in UP and other SUCs!

 Photo Courtesy of Charlotte Velasco

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on June 28, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: