RSS

Re: Pentagon workers

15 Jul

Vacant ko kaninang 2:30-4:00 PM. After magsauli ng libro sa CAS library at kumuha ng class cards, pumunta ako sa AK tambayan. Naroon pa pala sina Kuya Dominic at Kuya Jose, mga manggagawa mula sa Pentagon Mining Corp. Ayun. Tinanong ni Ate Kamz kung kaya ko mag-Room-To-Room (RTR) kasama sila. Bakit naman ako tatanggi, ‘di ba? Yayakanin para sa kanila!

Nag-RTR kami sa RH, 3rd floor. Ipinakilala ko muna sila at kaunting background, tapos sila na nagsalita. Kinuwento nila ‘yung history nila sa Pentagon, ‘yung mga pinagdaanan nila, lalo na ‘yung mga pang-aabuso laban sa kanila. Pagkatapos nila magsalita, binigyan ko ng stress ‘yung marahas na protestang nangyari kahapon.

Simple lang naman ang hinihiling nila ehang makabalik sila sa trabaho at magkaroon ng safety equipment at sapat na sahod. (Ang ironic na construction workers sila pero wala silang safety equipment. ‘Yung totoo?!) Pero ano ang binigay at patuloy na binibigay sa kanila? Pinansyal at pisikal na pang-aabuso. Financial abuse dahil sa kawalan ng sapat na pasahod at physical abuse dahil sa marahas na pagtrato sa kanila. Nariyan ‘yung pamumukpok, pangungunyerte, at iba pa. Sa katunayan, may nangyaring marahas na protesta nga kahapon. Eto ‘yung kwento: http://www.philippinecollegian.org/security-guard-dead-2-others-injured-in-pentagon-clash/ at video: http://vimeo.com/70278388.

Anyway, productive ‘yung naging kabilaang RTR kanina. Nakalikom ng P8,334.00 para sa mga manggagawa ng Pentagon. Malaking tulong sa kanila kasi nga walang silang trabaho sa ngayon at sa barung-barong sa sidewalk sila pansamantalang tumitira. Dahil dito, gusto iparating nila Kuya Dominic, Kuya Joey, Kuya Jose at ng iba pang mga kapwa nila manggagawa ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakinig at nagbigay.

Bilang kanilang kapwa at iskolar ng bayan, sana hindi sa pakikinig at sa pagbibigay natatapos ang pagtulong natin sa kanila. Kilalanin pa natin sila nang husto at alamin natin ang kanilang tunay na kalagayan. Nang sa gayon, malaman natin kung paano natin magagamit ang ating buong potensyal sa pagtulong sa kanila.

Padayon! 🙂

Credits to Philippine Collegian and Mayday Newsreel

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on July 15, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: