RSS

Idealism—tatak Peyups

16 Jul

Psychology 10

Lesson on Adolescent Cognition and Intelligence

Isa sa mga formal operations under adolescent cognition ay more abstract, logical, and idealistic thoughts. Binigyan ng stress ni Ma’am Martinez na isa sa mga tatak ng pagiging iskolar ng bayan ay ang pagiging idealistic. Nariyan ‘yung pagnanais mong makatulong sa kapwa lalo na sa pamamagitan ng gusto mong propesyon. Pero may mga cases na kahit nag-uumapaw ang idealism, kabaliktaran ‘yung kinalalabasan. Parang ‘yung classmate raw ni Ma’am na gusto maging human rights lawyer. Pero ngayon, part ng isang law firm na nagtatanggol ng mga fascist corporations. Kapag daw may laban ‘yung mga manggagawa, pinapayuhan na lang ‘yung mga kliyenteng korporasyon na magbayad na lang. O ‘di ba, pera-pera na lang ang judicial system ngayon.

Kung ako ang tatanungin, hindi lang dapat idealism ang mayroon tayo. Dapat mulat talaga tayo, in a way na inaalam natin ‘yung tunay na kalagayan ng masa sa pamamagitan ng pakikipag-interaksyon sa iba’t ibang sektor ng lipunan lalo na ang mga magsasaka’t manggagawa. Kasi kung puro lang tayo salita, eh madali talaga tayo makakain ng maling sistema kapag mga propesyonal na tayo. Sabi nga ni Einstein, theory without practice is blind. Hindi naman alintana sa edad o kurso ang pakikipagsalamuha sa masa. Nariyan ang Basic Mass Integration o BMI kung saan ay bumibisita ang mga kabataan at mag-aaral sa komunidad ng mga magsasaka at manggagawa sa lungsod man o probinsya.

Hindi lang dapat sa salita, ngunit pati sa gawa. Paglingkuran natin ang sambayanan sa kasalukyan at hinaharap, kabataan!

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on July 16, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: