RSS

SONA 2013xperience

23 Jul

Ginanap ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III kahapon. Originally, hindi na sana ako papasok sa mga klase ko kahapon kaso nag-cut na ako sa Math 17 last Friday (pag-paint ng graffiti ni Noynoy sa CAS Quad) kaya in-anticipate ko na may quiz kahapon. So pumasok ako sa PE at Math 17. Mga 3 PM, humabol na lang ako sa SONA ng Mamamayan sa Commonwealth, tapat ng Ever Gotesco.

Pagdating ko sa Ever, okay lang naman ang sitwasyonpatuloy ang programa. Natapos ang programa sa pagsunog ng effigy ni Noynoy habang winawagayway ang bandila ng iba’t ibang mass organizations. Marami na ang umalis pero may mga nag-stay para sa indignation rally sa Camp Karingal. Siyam (9) kasing aktibista ang dinukot ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) noong umaga.

Sumakay kami ng jeep hanggang sa V. Luna at nagmartsa papuntang Camp Karingal. Humanay kami habang nakikinig sa iba’t ibang mga lider-aktibista. Sa kalagitnaan ng programa namin, dumami ang mga pulis. Minsan, nag-iingay din sila. Pinupukpok nila ng batuta ‘yung mga riot shields nila. Dahil dito, mas na-agit ako. At sa sobrang agit ko, hindi ko napigilang sumigaw ng “Huli kayo nang huli, wala namang maikaso!” Pinakalma ako nila Ate Joan. Baka raw ma-provoke ang mga pulis. Pero kitang-kita ko ‘yung reaksyon sa mukha ng ilang mga pulis nang sinabi ko ‘yun. Nung nabanggit naman ng tagapagsalita ‘yung dahilan ng mga pulis na ginagawa lang naman daw nila ‘yung utos sa kanila, gusto ko pa sana sila sigawan ng “Sumusunod sa utos?! Eh nasaan ang prinsipyo niyo?” Sa totoo lang, marami pa akong gustong sabihin o tanungin sa kanila. “Ano po pakiramdam ng kapwa niyo Filipino eh hinahataw niyo ng batuta?” “Bakit po sila inaresto at kinulong? Ano po ang kaso nila?” Nagpigil lang talaga ako. Pero may nagtanong nga kung ano nga ba ang kaso at inaresto ‘yung siyam. Alam mo ang sagot? Secret daw! Ikaw, aarestuhin ka sa kasong secret? Gaguhan lang, hindi ba?

Tumindig at nag-ingay na nang husto ang mga pulishudyat ng marahas na pag-disperse nila sa amin. Boom! Nangyari na nga! Mula sa 2nd row, pumalikod kami nang kaunti ni Ate Ina. Sobrang protective niya sa akin kasi first time ko. Sa likod lang daw niya ako at huwag daw ako tatalikod sa mga ulisumatras lang daw ako nang umatras. Ayun, grabeng tulakan. Palibhasa may mga riot shields ang mga hinayups. Pero hindi lang ‘yun! Wait, there’s more! Namalo rin sila gamit ang kanilang batuta! Worst na narinig ko eh namamalo sila ng mga babae kanina! Sa sobrang panunulak ng mga pulis, para bang stampede ang nangyaripero palikod. At dahil sa bilis nito, nahubaran ako ng pares ng tsinelas.

Medyo natigil ‘yung panunulak sa isang kanto along Maginhawa. Pumunta muna kami sa likod ni Ate Ina tapos lumapit sa akin si Ate Kamz, tinanong kung may paper bag ako. Eh plastic lang meron ako. Nagulat na lang ako nung nalaman kong inaatake ng hyperventilation si Kuya EJ! Buti na lang nadala siya agad sa sidewalk pagkatapos niya bumagsak at hindi na naapakan pa. First aid si Ate Joan at iba pang mga kasama habang patuloy ang pag-disperse sa mga raliyista. Pagkatapos mahimasmasan ni Kuya EJ, pinuntahan na namin ulit sila Ate Ina. Jusko, umabot sila sa Kamias! OA talaga nitong mga pulis na ‘to! PNP nga talaga. Praning na Praning!

Hindi lang pala kahirapan ang ‘grabe’ sa Pilipinas, pati na rin ang estado ng karapatang-pantao at sistema ng hustisya. Oo, hindi lingid sa kaalaman ko na naghihirap ang sambayanang Pilipino (except siyempre sa mga MBK at PML) dahil sa pasistang pamahalaan. Bukod sa mga nakikita ko sa araw-raw, hindi rin naman namin ramdam ang so-called kaunlaran ni PNoy. Pero ‘yung paglabag sa mga karapatang-pantao na naririnig-rinig ko lang dati sa TV o radyo, nasaksihan at naranasan ko mismo.

  1. Pag-deny ng permit to rally
  2. Illegal detention ng siyam (9) na mass org leaders
  3. Marahas na pag-disperse sa mga raliyista
  4. Pananakit ng mga pulis
  5. Marami pang iba…

Dahil dito, mariin kong kinukundena ang rehimeng US-Aquino! At kasama ang lahat ng mga kapwa ko aktibista, nananawagan kami sa agarang paglaya ng siyam (9) na mass leaders na dinakip ng mga pulis kahapon! Ito ay matinding pagtapak sa karapatan ng bawat mamamayan sa kalayaang mag-organisa at iparating ang kanyang mga hinaing sa pamahalaan. At higit sa lahat, kami ay nananawagan sa paglaya ng sambayanan sa kamay na pasistang pamahalaang ito, na siyang tuta ng Estado Unidos!

Free the Commonwealth 9!

Kundenahin ang walang habas na panunupil ng karapatan!

Advertisements
 
1 Comment

Posted by on July 23, 2013 in iskolar ng bayan

 

One response to “SONA 2013xperience

  1. Kyelevelup

    August 16, 2013 at 10:33 AM

    Ang haggard talaga ng nangyari!

     

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: