RSS

Monthly Archives: August 2013

4 in a row

Pumasok ako sa school hindi para pumasok sa Math 17, Psych 10, Comm 1, at Geo 11 classes ko. Pero para mag-volunteer sa Tulong Kabataan, para mag-RTR tungkol sa botchang sistema ng pork barrel, at sumama sa protesta laban sa katiwalian at pork barrel sa Liwasang Bonifacio.

Room-To-Room. Tatlong klase lang ‘yung napuntahan namin kanina pero solid ‘yung isa dahil naging educational discussion ang sanang swift RTR. Pinag-stay kami nang matagal ni Ms. Hope para sagutin ang mga tanong niya nang mas malinawan ang kanyang Comm 1 students sa issue ng pork barrel lalo na ang pagkakasangkot ni Janet Lim-Napoles sa P10-B pork barrel scam.

Tulong Kabataan. Pagkatapos mag-RTR at habang hinihintay ang pag-alis namin papuntang Liwasang Bonifacio, tumambay muna ako sa TK desk sa RH lobby, tumanggap ng donations, at nag-repack.

Protest Laban sa Katiwalian at Pork Barrel. Pinanindigan ko na nga ang pag-cutting class ko at sumama ako sa Liwasang Bonifacio para magprotesta laban sa pork barrel at katiwalian sa rehimeng US-Aquino. Marami ang nagsalita mula sa iba’t ibang mga mass orgs at sa kanilang pangunguna, kaming mga rebolusyonaryo ng panahong ito ay nanumpa sa tapat mismo ng bantayog ni Supremo, Gat Andres Bonifacio.

Sa pagliban ko sa klase, hindi ako nagsisisi. Naniniwala akong may mga bagay sa labas ng silid-aralan, tulad ng mga suliraning panlipunan, na mas kailangang bigyan ng pansin, pag-laanan ng oras, at aksyunan. Dahil ang paglutas sa mga suliraning ito ay higit na makabubuti para sa nakararami.

“Huwag kang matakot lumiban sa klase. Matakot kang lumiban sa paglikha ng kasaysayan.” – Lean Alejandro

 
Leave a comment

Posted by on August 24, 2013 in iskolar ng bayan

 

first Tulong Kabataan experience

Patuloy pa rin ang pag-ulan. Baha sa mga ruta papuntang Manila kaya naman dalawang araw nang postponed ang Tulong Kabataan – UP Manila donation drive and relief operation.  Kaya sa Tulong Kabataan – UP Diliman muna ako nag-volunteer.

Ang rewarding ng first donation drive at relief operation experience ko. Bukod sa pag-repack, mas naramdaman ko ‘yung satisfaction nung nag-house-to-house kami. Sobrang apektado nang bagyo ‘yung mga nakatira along CP Garcia Avenue. Binaha talaga sila kaya nagkalat ang putik. Madulas ‘yung mga dinaanan naming pasikot-sikot pero kahit umaabon, namigay pa rin kami. Halos mukha na kaming basang sisiw, pero sige lang. Napapawi naman ng mga matatamis na ngiti at pasasalamat nila ‘yung pagod mo. 🙂

 
Leave a comment

Posted by on August 21, 2013 in iskolar ng bayan

 

5-day weekend

5-day weekend it is. 2-day class suspension over Metro Manila and adjacent areas dahil kay Typhoon Maring. Favor lang? Umalis tayo sa wapakels at comfort zone natin para tumulong sa mga nasalanta.

Organize and extend a helping hand to our fellow countrymen affected by Typhoon Maring.

FOR DONATIONS:
1. You may drop your donations at the CAS Student Council Office located at the College of Arts and Sciences, Rizal Hall Lobby, UP Manila.
2. For more inquiries, please do not hesitate to contact the numbers listed on the poster.

FOR VOLUNTEERS:
1. Fill out the form: https://docs.google.com/forms/d/1h3ZVJ2skkiqBQYq6-WbB7XZGpAfhJFeT_J_50cH5JUQ/viewform
2. Join Tulong Kabataan 2013’s open Facebook group and stay tuned for updates: https://www.facebook.com/groups/699516050075661/
3. The Tulong Kabataan team will keep you updated with schedules of relief operations and other activities.

By the way, may drop off points din ang Tulong Kabataan sa iba’t ibang university.

Thank you and keep safe! Kilos kabataan! Serve the people!

 
Leave a comment

Posted by on August 19, 2013 in iskolar ng bayan

 

guitar stand and tuner

Naalala ko lang nung binilhan ako ni Erpats ng guitar stand at tuner nung first year ako, right after ko bumili ng bass guitar. Sweet father is sweet.

 
Leave a comment

Posted by on August 19, 2013 in family

 

Life-saver ang Form 5.

Tatlong beses ko nang nakakalimutan ang ID ko. Pangatlo ‘yung kanina. Hindi ko kasi ugaling suot ang ID mula bahay hanggang school at mula school hanggang bahay. Sinusuot ko lang ‘pag papasok o palabas na ng gate sa CAS. Pagkatapos, tatago ko na lang sa bag ko. E dalawa kasi bag kodepende sa sched at dami ng kailangang dalhineither backpack o shoulder bag. Lately, mas madalas kong gamitin ‘yung backpack kaya naroon palagi ang ID ko.

Sakto nagpalit ako ng bag. Ginamit ko ‘yung shoulder bag ko. Midterms kasi sa Psych 10 at Geo 11. May nakasabay ako sa FX na may suot na ID. ‘Yun lang! Nakalimutan ko [na naman] ang ID ko. Buti na lang nariyan ang mahiwagang Form 5.

Eksena sa CAS Gate:

Ako: *kuha Form 5 sa wallet* bukas bag* *pakita Form 5 sa security guard*

SG: *pinatabi ako*

SG: “Pangalan mo?”

Ako: “Lim, Mark Vincent.”

SG: “Middle name?”

Ako: “David po.”

SG: “Student number?”

Ako: “2013-XXXXX”

SG: “Okay. Sa susunod, huwag kakalimutan ang ID ha.”

 
Leave a comment

Posted by on August 13, 2013 in iskolar ng bayan

 
Image

Lolo’s boy

Lo, tuloy-tuloy ‘to ah. Hanggang sa graduation ko sa Doctor of Laws.

 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2013 in family

 
Image

friends :)

 
Leave a comment

Posted by on August 2, 2013 in friends