RSS

4 in a row

24 Aug

Pumasok ako sa school hindi para pumasok sa Math 17, Psych 10, Comm 1, at Geo 11 classes ko. Pero para mag-volunteer sa Tulong Kabataan, para mag-RTR tungkol sa botchang sistema ng pork barrel, at sumama sa protesta laban sa katiwalian at pork barrel sa Liwasang Bonifacio.

Room-To-Room. Tatlong klase lang ‘yung napuntahan namin kanina pero solid ‘yung isa dahil naging educational discussion ang sanang swift RTR. Pinag-stay kami nang matagal ni Ms. Hope para sagutin ang mga tanong niya nang mas malinawan ang kanyang Comm 1 students sa issue ng pork barrel lalo na ang pagkakasangkot ni Janet Lim-Napoles sa P10-B pork barrel scam.

Tulong Kabataan. Pagkatapos mag-RTR at habang hinihintay ang pag-alis namin papuntang Liwasang Bonifacio, tumambay muna ako sa TK desk sa RH lobby, tumanggap ng donations, at nag-repack.

Protest Laban sa Katiwalian at Pork Barrel. Pinanindigan ko na nga ang pag-cutting class ko at sumama ako sa Liwasang Bonifacio para magprotesta laban sa pork barrel at katiwalian sa rehimeng US-Aquino. Marami ang nagsalita mula sa iba’t ibang mga mass orgs at sa kanilang pangunguna, kaming mga rebolusyonaryo ng panahong ito ay nanumpa sa tapat mismo ng bantayog ni Supremo, Gat Andres Bonifacio.

Sa pagliban ko sa klase, hindi ako nagsisisi. Naniniwala akong may mga bagay sa labas ng silid-aralan, tulad ng mga suliraning panlipunan, na mas kailangang bigyan ng pansin, pag-laanan ng oras, at aksyunan. Dahil ang paglutas sa mga suliraning ito ay higit na makabubuti para sa nakararami.

“Huwag kang matakot lumiban sa klase. Matakot kang lumiban sa paglikha ng kasaysayan.” – Lean Alejandro

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on August 24, 2013 in iskolar ng bayan

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: