RSS

Monthly Archives: July 2014

Image

Screenshot 2014-07-19 04.27.42

Advertisements
 
Leave a comment

Posted by on July 19, 2014 in Uncategorized

 
Image

before and after magbunot ng mga pinunlang tanim

10531280_289658231206738_1404147365_n 10526039_289658711206690_4943680626933132357_n

 
Leave a comment

Posted by on July 14, 2014 in national democracy

 

1st BMI at Hacienda Luisita, Tarlac

Ngayong araw, naranasan kong magbunot ng mga pananim na pinunla pa lamang. At sa loob ng isang oras, nakaramdam na ako agad ng pagod. Tunay ngang hindi biro ang magtanim dahil maghapong nakayuko sa ilalim ng mainit na sikat na araw. Bukod sa pagod at hirap, ano pa kaya ang mararamdaman ng mga magsasaka kapag sinira ang kanilang mga tanim dahil hindi raw sa kanila ang lupang kanilang sinasaka? Sabi nga ni Tatay Gerry, “Kung kailan ilang araw na lang bago anihin, tsaka pa sisirain!”

Kaya wala tayong karapatan magsayang ng pagkain. At dapat sumama tayo sa mga basic mass integration o immersion para masaksihan natin mismo at malaman ang hirap na dinaranas ng mga magsasaka sa kanayunan at ang kanilang mga ipinaglalaban. ‘Yung isasaing mo mamaya, literal na katumbas ng dugo’t pawis ng mga magsasaka. Kung hindi dahil sa kanila, gutom ang buong sambayanan!

Kaya mabuhay ang uring magsasaka! Ipaglaban ang tunay na reporma sa lupa!

 
Leave a comment

Posted by on July 13, 2014 in national democracy

 

Ang sarap isipin na bukas paggising mo, wala ng STS at tuition hike. Na ‘yung edukasyon sa bansa, bukod sa dekalidad at abot-kaya na ng lahat, ay makabayan, siyentipiko, at makamasa.

Pero ilang araw, buwan, o taon man ang kailanganin para mapagtagumpayan natin ito at ang iba pang mga laban, hindi tayo titigl. Hindi tayo susuko. Sabi nga ni Mao sa isa niyang talumpati:

“…Mataas man itong mga bundok, ang mga ito ay hindi na tataas pa; at sa bawat kaunting hukay namin ay gayundin ang ibababa ng mga ito. Bakit hindi namin maaalis ang mga ito?”

 
Leave a comment

Posted by on July 12, 2014 in national democracy

 

“Ako, ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka, ang maghintay sa’yo at umasang isang araw kakayanin mo nang magmahal ulit. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita.”

– Macky, Unofficially Yours

 
Leave a comment

Posted by on July 6, 2014 in Uncategorized

 

I REFUSE TO PASS THIS SYSTEM!

May freshie na nag-message sa akin at sinabi niyang galing siya kanina sa UP Manila para magbayad ng tuition. Heto ang sabi niya:

“27k ‘yung nawala sa amin. T.T Hirap na hirap na po parents ko. ‘Di ko nga po alam kung paano sila nakagawa ng paraan. Driver po ang tatay ko, ang nanay ko naman po sa bahay. Nakaka-disappoint, expected ko po eh Bracket D or E1. Huhuhu. #ScrapSTS

At nung pina-photocopy niya ‘yung invoice, sabi kanya, “‘Yang 27k ba na ‘yan, tuition sa UP? Aba, parang private na pala ah.”

And lastly sabi niya, “I chose UP kasi po ‘yun lang ang kaya ng parents ko sa mga prestigious universities dito sa Pinas. Kahit na nakapasa po ako sa mga private university, mas pinili ko pa rin po ang UP kasi mas mura pero nagkamali ako.”

Fuck this shit! I REFUSE TO PASS THIS SYSTEM! Scrap the Socialized Tuition System! Rollback tuition, fight for higher state subsidy!