RSS

Monthly Archives: October 2014

pagpanaw ng pampublikong karakter ng UP

Hindi lamang ang alaala ng mga pumanaw na mahal sa buhay ang dapat natin gunitain ngayong Undas. Ngunit pati ang pagpanaw ng pampublikong karakter ng Unibersidad ng Pilipinas bunga ng iba’t ibang porma ng kumersyalisasyon ng edukasyon, kalusugan, at iba pang batayang serbisyo sa UP. Nariyan ang de-facto tuition increase sa anyo ng Socialized Tuition System o STS, ang patuloy na pagtaas ng singil sa Philippine General Hospital, ang kawalan ng isang accessible na kainan sa loob nang UP Manila, at iba pa.

Kaya naman, lalong hindi dapat tayo magpakulong sa akademya at ating comfort zones. Sabi nga ni Karl Marx, “Philosophers have only interpreted the world, in various ways; the point is to change it.” At sa panahong lantaran at harap-harapan tayong binubusabos ng administrasyon ng ating pamantasan, lalo na ang pambansang pamahalaan, ay makatwiran lamang ang sama-sama at militanteng pagkilos at paglaban upang igiit ang ating mga karapatan.

 

Parangal kay Ka Mario

Isang taas-kamaong pagpupugay kay kasamang Mario Malunes, lider-magbubukid at tagapagtatag ng Anakpawis-Masbate. Salat man sa buhay, naglingkod ka sa kapwa nang walang hinihinging kapalit. Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa ilang buwan mong pag-aalaga sa aking ama noong kayo’y magkasama. Sinamahan mo siya sa loob ng matagal na panahon habang kami ay malayo sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang iyong kadakilaan. Maraming salamat, Ka Mario!

parangal kay Ka Mario

larawan mula kay Randy Evangelista

 
Leave a comment

Posted by on October 4, 2014 in national democracy